^

Police Metro

PNP, AFP inatasan... P-Noy: PAGs lipulin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang hindi umano makasagabal sa mapayapa at matiwasay na napi­pintong pagdaraos ng May 2016 national elections ay inatasan ni Pa­ngulong Noynoy Aquino ang pamunuan ng Phi­lippine National Police at Armed Forces of the Philippines na lipulin ang namamayagpag na mga Private Armed Groups (PAGs) sa bansa.

Ito sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.presidential standard bearer ng Liberal Party (LP) matapos ang kanilang pagpupulong kamakalawa.

Sinabi ni Roxas na ipinatawag sila ni Defense Secretary Voltaire Gazmin gayundin sina AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri at PNP Chief Director General Ricardo Marquez kung saan ibinaba ni P-Noy ang direktiba.

“May mga concern ang Pangulo tungkol sa security situation sa south, so nakita niya si Sec. Gazmin, andun ako, si Gen. Iriberri ng AFP at PNP Chief  Director General Marquez, so nag-lunch kami ng sabay”, ani Roxas.

Ang tinutukoy ng Kalihim ay ang ginanap na ika-114 anibersaryo ng pagkakatatag ng Police Service sa Camp Crame kahapon kung saan nagkita-kita ang naturang mga opisyal.

Pinulong sila ni P-Noy para tutukan ang mga bagay na nakakasagabal sa peace and order sa bansa tulad ng PAGs ngayong nalalapit na naman ang pambansang halalan.

Nabatid na maraming mga PAGs ang namamayagpag sa Mindanao Region na bukod sa pag­likida sa mga kalabang kandidato ay naghahasik din ng kaguluhan sa mga polling precint sa tuwing sasapit ang eleksyon tulad ng pang-aagaw ng mga balota at pagpapaulan ng bala at maging sa pananakot sa mga gurong gumaganap na Board of Election Inspectors (BI).

Magugunita na noong Nobyembre 23, 2009 ay nasa 58 katao kabilang ang 32 mediamen ang minasaker sa Maguindanao  ng mga PAGs  ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na natukoy na may kinalaman sa pulitika kaugnay ng May 2010 national elections.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DIRECTOR GENERAL MARQUEZ

HERNANDO IRIBERRI

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with