^

Police Metro

Ayaw ibigay ang motorsiklo, dinedo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 27-anyos na la­laki ang binaril at napatay ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo nang ayaw ibigay ang kanyang motorsiklo kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay noon din ay dahil sa tama ng bala sa likod ay kinilalang si Joby Pajarillaga, 27, maintenance, residente ng University Drive, Santo  Niño Meycauayan, Bulacan.

Agad na nadakip ang dalawang suspek na
sina Leo Angelo, 19, ng Purok 2, Malaria Barracks, Barangay 182 at Arnold Buenavides, 23, tricycle driver, ng  Barracks II, Saint Paul Extension Tala, Barangay 186, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Bankers Village, Barangay 171, Bagumbong ng naturang
lungsod ay minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki 150 (FP-7667) nang sumulpot ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at siya ay hinarang.

Tinutukan ng baril ang biktima at kinukuha ang motorsiklo, subalit tumangging  ibigay kaya nagalit ang dalawang suspek at binaril ito ng isa sa mga suspek na sanhi ng kanyang kamatayan.

Tumakas ang mga suspek patungong
Vicas Congress Villages at tangay ang motorsiklo ng biktima.

Ilang residente ang nakasaksi ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaya’t hinabol hanggang sa madakip si Buenavidez.

Habang si Angelo ay naaresto sa isang follow-up o­peration at nakum­piska ang isang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pagpatay sa biktima.

ACIRC

ANG

ARNOLD BUENAVIDES

BANKERS VILLAGE

CALOOCAN CITY

JOBY PAJARILLAGA

LEO ANGELO

MALARIA BARRACKS

NBSP

SAINT PAUL EXTENSION TALA

VICAS CONGRESS VILLAGES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with