^

Police Metro

Puting van na dumudukot ng bata muling nakapangbiktima

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muli na namang umarangkada ang grupo ng kalalakihan na sakay ng puting van na nandurukot ng mga bata matapos na makatakas ang isang 12-anyos na batang babae na anak ng isang security force ng Manila City Hall naganap noong Hulyo 27.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Kikay kay Senior Inspector Vicky Tamayo ng Manila Police District-Women and Children Protection Desk na dakong alas-6:30 ng umaga nang siya ay dukutin habang naglalakad sa Don Quijote St., Sampaloc papasok sa Ramon Magsaysay High School.

“Yung naglalakad po ako, isang lalaki lang ang lumapit sa akin, sabi niya po pinasusundo ako ng nanay ko. Sabi ko naman alam ng nanay ko na papasok pa lang ako ng school, pero hinila po ako at isinakay sa van. Sa flooring po ako pinaupo at katabi ng 5 pang mga batang babae na ka-edad ko lang po, nag-iiyakan sila. Itinupi po yung upuan sa likod ng van,” ani Kikay.

Nagtanong ang tatlong lalaki na pawang nakamaskara kung sino sa kanila ang maysakit sa puso at nang walang sumasagot dahil nag-iiyakan, ay nagsabi si Kikay na siya ay maysakit.

Nagawa lamang nitong makaligtas sa mga abductor nang siya ay tumalon sa van nang manigarilyo ang bantay sa kanila at bumaba pansamantala sa highway. Nagtago umano siya sa mapuno at mga halaman hanggang sa makaalis ang van at dahil naiwan ang sapatos na kaliwa ay iniwan na rin nito ang isa.

Nang may dumaang pampasadang dyip ay pinara niya ito at sumakay hanggang sa makita  ang lugar ay patungo sa kaniyang lola sa Molino, Cavite.

Wala namang makuhang kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar na pinangyarihan nang pagdukot.

vuukle comment

ANG

CAVITE

DON QUIJOTE ST.

HULYO

ITINUPI

KIKAY

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

MOLINO

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

SENIOR INSPECTOR VICKY TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with