^

Police Metro

Supporters ng INC vs QCPD nagkagirian

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga supporter ng Iglesia ni Cristo (INC) at tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang pumalag ang grupo nang tangkain ng pulisya na paalisin sa pagpipiket sa harap ng nasabing simbahan sa Tandang Sora, Quezon City kahapon.

Ayon sa mga supporter, karapatan nilang manatili sa harap ng simbahan bilang mi­yembro ng INC na sumusuporta sa panawagan ng kanilang pinuno na baguhin ang sistema sa loob ng simbahan.

Ang mga supporter ni Ka Angel Manalo ay nagtungo sa gate ng tahanan nito na mga nakatakip ang mukha para suportahan ang kanyang panawagan kaugnay sa pagbabago ng sistemang pinaiiral ng isang mi­yembro ng Sanggunian.??

Bitbit ang ilang kara­tula na nagsasaad tulad ng Alisin ang tiwaling Sanggunian, Tigilan ang pagbebenta ng mga ka­pilya at mga ari-arian ng Iglesia ni Cristo at Ka Eduardo kausapin na po ninyo si Ka Tenny ay nagsama-sama ang grupo sa harap ng gate ng natu­rang simbahan.

Subalit, dakong alas 3:30 ng hapon nang tangkain ng tropa ni P/Supt. Arnel Capucao na kausapin ang mga ito na lumipat ng ibang lugar na pagdadausan ng kanilang panawagan dahil nabubulabog ang ilang residente ma­ging ang mga motorista, bagay na pinalagan ng mga miyembro ng INC.

Ayon kay Capucao, kung mayroon mang pagbabanta sa kanilang buhay ay ilahad sa kanila upang masampahan ng kaso at maproteksyunan kung saan hindi naman pinaniniwalaan ng grupo.

ACIRC

ANG

ARNEL CAPUCAO

AYON

CRISTO

KA ANGEL MANALO

KA EDUARDO

KA TENNY

MGA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with