^

Police Metro

2 tatay nagpakamatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang padre de pamilya ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti at paglaslas ng pulso sa magkahiwalay na insidente sa Pasig City at Maynila.

Sa ulat ng Pasig City police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na si Ernesto Calderon, 46, ng F. Banaag St., Brgy.Pineda ng kanyang misis na si Julieta, 40 at anak na si Yushavel Julieth, na   nagbigti gamit ang nylon cord na itinali sa grills ng bintana.

Ayon sa mag-ina pagbalik nila sa kanilang bahay ay napansin nilang may kakaiba sa loob dahil nakasarado ang mga pintuan at wala rin ilaw.

Gumamit sila ng duplicate key at pagpasok sa loob ay naaninag nila ang kandilang nakasindi sa ikalawang palapag.

Pag-akyat ng mag-ina ay doon nila nakita ang biktima na nakabigti at wala ng buhay malapit sa nakasinding kandila.
Naglaslas naman ng pulso gamit ang pang-ahit ng bigote ang biktimang si Lolito Siong, 35, ng no. 752 Metrica St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi noong Sabado nang maglaslas ang biktima  sa loob ng kanilang banyo 

Sa salaysay ng anak na si Junjun, 14 na inutusan siya ng ama na kunin ang pang-ahit bago ito pumasok sa banyo at lumabas ang una.

Ilang minuto ang nakakalipas nang magbalik si Junjun ay nakita ang ama na nakahandusay sa banyo at duguan kaya’t ipanaalam sa ina na si Sarah na nagsugod naman sa pagamutan subalit namatay din ito.

Nabatid na depression dahil sa sakit na kidney ang nagtulak sa biktima na tapusin ang buhay.

 

vuukle comment

ANG

AYON

BANAAG ST.

ERNESTO CALDERON

JUNJUN

LOLITO SIONG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

METRICA ST.

PASIG CITY

YUSHAVEL JULIETH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with