^

Police Metro

Sangkot sa mga holdapan sa Cavite... shootout: 2 holdaper todas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang suspek sa panghoholdap matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Imus, Cavite kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga nang looban ng dalawang suspek ang isang sangay ng LBC sa Brgy. Bucandala.

Sa salaysay ng emple­yadang si Janela Aquino, na pumasok ang dalawang suspek at nagpanggap na kustomer.

Ilang sandali ay nagdeklara ang mga ito ng holdap na kung saan ay sinabihan na huwag ti­tingin.

Nang makuha ang pera  ay pinasok sila sa banyo ng mga suspek na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo at tangay ang nasa P10,000.

Natunton naman ng mga otoridad ang mga susupek matapos itawag ng isang concerned citizen ang kanilang lokasyon.

Inabutan ng mga pulis ang mga suspek sa isang bukid at sa halip na sumuko ay nanlaban umano ito sa mga otoridad na kanilang pinaputukan ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis at sa ilang minutong palitan ng putok ay napatay ang dalawang suspek.

Ayon kay Sr. Supt. Jonnel Estomo, hepe ng Cavite Police,  itinuturong responsable rin ang mga napatay na suspek sa panloloob sa sangay ng LBC sa Brgy. Burol I, Dasmariñas nitong Sabado.

Sangkot din anya ang dalawa sa ilan pang insidente ng holdapan sa Cavite. 

Walang makuha na anumang pagkakakilanlan sa mga suspek.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BUROL I

CAVITE

CAVITE POLICE

JANELA AQUINO

JONNEL ESTOMO

MGA

SR. SUPT

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with