3 bebot tiklo sa droga
MANILA, Philippines - Nasakote ang mag-inang umano’y nagtutulak ng iligal na droga kasama ang isa pang babae sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Malabon City Police, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.
Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Elizabeth Mamariso, alyas “Elizabeth Dela Vina Tatac”, 68, anak nitong si Ricardo Mamariso, 32, kapwa ng Lot 52, Block 15, Phase 2, Area 3, Kitang Alley, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos, Malabon at si Edna Closa, 52, ng Carnacion Street, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.
Sa ulat ng pulisya, ni-raid ang kuta ng mag-inang Mamariso dakong alas-7:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Malabon City Regional Trial Court Branch 74.
Nadiskubre umano ng mga pulis sa ginawang paghahalughog sa bahay ng mga suspek ang halos walong gramo ng hinihinalang shabu sanhi upang arestuhin ang tatlo. Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa Malabon Police detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest