^

Police Metro

Miriam inendorso si MVP para maging presidente ng Pilipinas­

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung si Senator Mi­riam Defensor-Santiago ang tatanungin gusto nito na maging presidente ng bansa ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Sa kanyang talumpati sa Maynilad Leadership Talk na ginawa sa University of the Philippines, sinabi ni Santiago na nais nitong pag-isipan ng mga nakikinig sa kanya ang posibilidad na maging presidente ng bansa ni Pangilinan.

“I want you to think about Mr. Manny Pa­ngilinan for president of the Republic of Philippines,”ani Santiago.

Kinumpirma rin ni Santiago matapos ang talumpati ay  iniindorso niyang presidente si MVP.

Inisa-isa ni Santiago ang mga kuwalipasyon ng nais niyang maging presidente ng bansa at una na rito ang pagiging tapat, may professional excellence at may academic excellence.

Idinagdag din nito na ang mga taong katulad ni Pangilinan ang dapat maging lider at hindi yong mayroong mga “highly publicized career”.

Anya, na ang career ng mga taong sikat ang posibleng pang makabulag sa kanila upang paniwalaan na kuwalipikado na sila sa trabaho o posisyon.

Partikular na tinukoy ni Santiago ang mga artista at mga nasa media.

ANYA

MANNY V

MAYNILAD LEADERSHIP TALK

MR. MANNY PA

PANGILINAN

REPUBLIC OF PHILIPPINES

SENATOR MI

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with