^

Police Metro

Wanted pumalag sa aresto, utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isa sa dalawang wanted sa kasong murder matapos na ito ay barilin ng mga pulis na aaresto sa kanila habang nasugatan ang kapatid nito nang saksakin matapos ituro ang pinagtataguan ng mga una kamakalawa sa Brgy. Del Carmen, Calabanga, Camarines Sur.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si  Jose del Castillo, 35, habang nasugatan ang biktima na kapatid ng una na si Mateo del Castillo na siyang nagsama sa mga pulis para matunton ang pinagtataguan ng wanted nitong kapatid na si Jose at kaanak nitong si Lorenzo del Castillo.

Batay sa ulat, dakong alas-3:59 ng hapon nang salakayin ng mga elemento ng  pulisya ang pinagtataguan ng dalawang wanted sa kasong murder na sina Lorenzo at Jose.

Nabatid na nagsilbing guide ng mga operatiba ang kapatid ni Jose na si Mateo kaya natunton ang pinagtataguan ng mga suspek at isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Angela Accompañado-Arroyo  ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58, San Jose, Cam Sur na walang inirekomendang piyansa sa paglaya ng mga ito.

Habang kinakatok ni Mateo ang bahay na pinagtataguan ng kapatid at isa pa nilang kaanak ay nagalit si Jose nang makitang may kasama itong  mga pulis kaya’t pinagsasaksak ang una sa matinding galit dahilan ipinagkanulo sila.

Nang makita ang insidente ay agad nagbigay ng warning shot ang pulisya upang pasukuin ang mga suspek, subalit ayaw paawat ni Jose at pinagsasaksak ang kapatid.

Kaya’t napilitan ang  arresting team na barilin si Jose at nahinto ang pananaksak.

Nagawa pang maisugod sa Bicol Medical Center sa Naga City. pero idineklarang dead-on-arrival  si Jose habang patuloy na ginagamot ang kapatid nitong si Mateo habang si Lorenzo ay nakakulong na.

ANGELA ACCOMPA

BICOL MEDICAL CENTER

CAM SUR

CAMARINES SUR

DEL CARMEN

JOSE

LORENZO

MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with