^

Police Metro

P100K reward sa 3 holdaper na nagpa-inom ng asido sa MMDA enforcer

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P100K reward ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa tatlong holdaper na nagpainom ng asido sa isang traffic enforcer na kanilang hinoldap sa Caloocan City.

Brutal ang naging kamatayan ni Traffic Constable na si Alfredo Barrios mula sa kamay ng tatlong holdaper.

Batay sa ulat, pauwi na ang biktima sa bahay nito sa Brixton, Camarin, Caloocan City nang holdapin ng tatlong kalalakihan.

Hindi nakapalag ang biktima at ibinigay na lamang ang kanyang mga gamit, subalit hindi pa nakuntento ang mga suspek ay hinawakan ang dalawa nitong kamay at pinainom ng asido na agad ikinasawi nito.

Una nang hiniling ni Tolentino sa mga otoridad,  na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa hindi makataong sinapit ni Barrios na regular na kawani ng MMDA.

 

vuukle comment

ALFREDO BARRIOS

BATAY

BRIXTON

CALOOCAN CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGPALABAS

TOLENTINO

TRAFFIC CONSTABLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with