^

Police Metro

Drug free sa lahat QC gov’t offices isusulong ni VM Joy B.

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipatutupad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte bilang chairman ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) ang  isang drug–free workplace sa lahat ng city government offices at barangay bilang  bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal drugs.

 Pinanukala ni Belmonte ang pagkakaroon ng isang authorized drug testing para sa mga empleado sa QC hall at sa 142 barangay sa lungsod. Ito ay alinsunod sa probisyon at mga regulasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB).

  Bukod dito, dalawang resolusyon ang inaprubahan na  ni QC Mayor Herbert Bautista  na nagpapahintulot kay Belmonte na makipagkasundo sa pagitan ng mga colleges at universities sa QC na magsagawa ng preventive education seminars para sa mga mag-aaral na kumukuha ng National Service Training Program (NSTP) at sa National Reference Laboratory for Environmental and Occupational Health, Toxicology at Micro-Nutrient Assay ng East Avenue Medical Center para sa drug testing services sa mga opisyal at empleado ng QC hall at barangays.

  Sa record ng QCADAAC, 919 tauhan mula sa mga barangay ang sumailalim na sa mandatory drug test noong 2014 at  mga empleado sa Department of Public Order and Safety (DPOS) at Business Permits and Licensing Office at ang iba ay nakatakda rin ngayong taon.

BELMONTE

BUSINESS PERMITS AND LICENSING OFFICE

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

DRUG ABUSE ADVISORY COUNCIL

DRUGS BOARD

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ENVIRONMENTAL AND OCCUPATIONAL HEALTH

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MICRO-NUTRIENT ASSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with