^

Police Metro

Makati City Hall employees, Brgy. officials sumuporta kay Binay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng mga kawani ng Makati City Hall at opisyales ng barangay si Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay at nanawagan na pairalin ang rule of law upang sa ganun ay maging normal na ang pagseserbisyo ng  City Hall sa mamamayan.

Nagsagawa din ng rally ang mga lider ng barangay at nagpakita ng manifesto ng solidong pagsuporta kay Binay bilang tunay na mayor ng lungsod.

Batay sa manifesto ng mga barangay opisyal na sila ay nananawagan sa pamunuan ng Department of the Interior and Local Government, Department of Justice at Office of the Ombudsman na igalang at respetuhin ang inilabas na Temporary Restrai­ning Order (TRO) at hinikayat ang nasabing mga ahensiya na magsampa ng anumang reklamo sa akma at mapagkakatiwalaang korte.

Samantala, nagsuot naman ng itim na t-shirt ang libong kawani ng city hall na nagtipon sa City Hall quadrangle upang ipahayag ang kanilang mga sentimyento sa nagaganap na tension kaya’t hindi sila makapagtrabaho nang maayos dahil sa katigasan ng DILG na tanggapin ang inilabas na TRO ng CA.

 “Kami ay umaapela sa DILG at  Ombudsman na itigil na ang bullying sa aming  Mayor at sundin ang inilabas na utos ng CA. Nakikiusap kami na ipagpaliban ang personal interests at ambisyon a­lang-alang sa nakakarami lalo na ang mga residente ng Makati City. Huwag kayong manatiling bingi sa payo ng inyong mga abogado at mambabatas at mga constitutional expert at sundin ang TRO”, pahayag ng mga kawani.

Ikinababahala din ng mga kawani ng City Hall ang posibilidad na pagkabalam ng kanilang sahod dahil sa ipinayahag ng DILG nang ito ay nagpadala ng sulat sa mga bangko na ang kikilalanin na mayor ay si Vice Mayor Kid Peña bilang authorized signatory sa pagpapalabas ng pondo.

vuukle comment

BINAY

CITY HALL

DEPARTMENT OF JUSTICE

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with