^

Police Metro

Suspensyon kay Mayor Binay, pinigil ng CA

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbabalik at mananatiling alkalde ng Makati si Junjun Binay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals na epektibo ng 60 araw laban sa anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman sa una.

Ipinalabas ng CA Sixth Division ang desisyon ilang oras matapos isilbi ang suspension order na agad nasundan ng  panunumpa ni Makati Vice Mayor Romulo Peña bilang acting mayor na halos tatlong oras pa lamang nauupo sa pwesto nang maglabas ng pasya ang CA.

Bukod kay Binay, pansamantalang sinuspinde ng anti-graft court sina City Budget Officer Lorenza Amores; City Accountant Cecilio Lim III; acting City Accountant Eleno Mendoza; City Treasurer Nelia Barlis; CPMO Engineers Arnel Cadangan; Emerito Magat at Connie Consulta; CPMO Chief Lino Dela Peña; Bids and Awards Committee (BAC) Secretariat Heads Giovanni Condes at Manolito ­Uyaco; Technical Working Group (TWG) Chairman Rodel Nayve; BAC member Ulysses Orienza; Ge­neral Services Department (GSD) OIC Gerardo San Gabriel at GSD staff member Norman Flores.

Una nang iginiit ni Binay na iligal ang suspension order ng Ombudsman na pakana raw ni DILG Secretary Mar Roxas.

Pinagkokomento ng CA ang Ombudsman ukol sa petisyon ni Binay na pinagbabayad din ng P500,000 bilang cash bond na tutuparin niya ang laman ng desisyon.

Itinakda ang oral arguments sa Marso 30 at 31 para naman sa hirit na writ of preliminary injunction para palawigin ang pananatili ni Binay bilang alkalde hanggang sa madesisyunan ang isyu.

Aminado naman si Binay na bagama’t masaya sila sa pasya ng CA, malungkot siya dahil hindi ito nakasipot sa graduation ng anak at nahiwalay sa pamilya.

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BINAY

CHAIRMAN RODEL NAYVE

CHIEF LINO DELA PE

CITY ACCOUNTANT CECILIO LIM

CITY ACCOUNTANT ELENO MENDOZA

CITY BUDGET OFFICER LORENZA AMORES

CITY TREASURER NELIA BARLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with