BanKO wagi sa Global Mobile Award
MANILA, Philippines - Nakuha ng BPI Globe BanKO, ang unang mobilemicrosavings bank sa bansa at joint venture ng Globe Telecom at BPI, ang award para sa Best Use of Mobile in Emergency and Humanitarian Situations sa 20th Global Mobile Awards na ginanap sa Barcelona, Spain.
Nakipagtambalan sa global humanitarian organization Mercy Corps, ang emergency transfer program ng BanKO na tinawag na ‘TabangKO’ ay nagbigay-daan para direkta at mabilis na maipadala ang kinakailangang tulong pinansiyal sa may 25,000 pamilya na apektado ng bagyong Haiyan sa mga isla sa Visayas. Mahigit sa P100 milyong tulong ang direktang naipadala sa BanKO accounts ng mga benepisyaryo.
Sa halip na magkaloob ng paper vouchers o cash sa envelopes, ang Mercy Corps ay nakapagpadala ng cash transfers sa Haiyan survivors sa pamamagitan ng direkta, mabilis at ligtas na pamamaraan gamit ang mobile banking service ng BanKO.
Ang mga benepisyaryo ay maaaring makakuha ng kinakailangan nilang halaga sa kanilang accounts sa pagtungo sa alinmang 4,000 partner outlets ng BanKO.
- Latest