Totoong nangyari sa Mamasapano clash inilahad sa BOI report
MANILA, Philippines - Paninindigan ni PNP–Board of Inquiry (PNP-BOI) Chairman P/Director Benjamin Magalong ang kanilang report sa totoong nangyari sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25.
Isinumite kahapon ni Magalong ang kopya sa tanggapan ni PNP Officer in Charge P/Director General Leonardo Espina ang 120 pahina na pamagat na “The Mamasapano Report” na limang sets o kabuuang 800 pahina na ang kanilang pinirmahan.
Bukod kay Magalong kabilang pa sa signatory sa nasabing report ay ang mga miyembro ng PNP-BOI na sina P/Directors Catalino Rodriguez at John Sosito.
Bukod kay Espina ay binigyan din ng kopya ang Department of Justice, Senado, Kamara at si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siya namang maghahatid ng kopya at mag-uulat kay Pangulong Benigno Aquino.
Si Espina ang magsusumite ng report kay Roxas at nakasalalay naman sa Kalihim, kung isasapubliko ito.
Inihayag pa ni Magalong na hindi nakaapekto sa resulta ng kanilang imbestigasyon ang pahayag ni P-Noy sa prayer meeting sa palasyo ng Malacañang noong Lunes hinggil sa pagsasabi nitong nabola lamang siya ng sinibak na si P/Director Getulio Napeñas sa Oplan Exodus na naging kapalit ng buhay ng 44 SAF commandos.
- Latest