Pamilya ng Fallen 44, bibigyan ng kopya ng BOI report sa Mamasapano clash
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni P/Director Benjamin Magalong, Chief ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at pinuno ng PNP-Board of Inquiry (PNP-BOI) sa Mamasapano clash na bigyan ng kopya ng resulta ng imbestigasyon ang mga biyuda at pamilya ng mga nasawing 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ayon kay Magalong na apat na maleta ang report ng PNP-BOI na isusumite nila kay PNP Officer in Charge P/Director General Leonardo Espina sa Huwebes at ito naman ang magbibigay ng report kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na siyang magsusumite nito sa palasyo ng Malacañang.
Subalit, humirit pa kahapon ang PNP-BOI ng tatlong araw para tapusin ang imbestigasyon sa Oplan Exodus.
“Nahirapan po kaming tapusin sa deadline (March 9). We cannot sacrifice the quality of our report ng aming investigation.
Tiniyak naman ni Magalong na walang magaganap na whitewash at wala ring “sacred cow” sa ipalalabas na resulta ng imbestigasyon dahilan naghahanap ng kasagutan hindi lamang ang PNP, taumbayan kundi maging ang pamilya ng mga nasawing SAF commandos.
Nabatid pa na maging ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay tumanggi ring isuko ang kanilang mga cellphone sa imbestigasyon ng PNP-BOI.
- Latest