^

Police Metro

Truck hulog sa bangin 1 patay, 9 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isa katao at sugatan naman ang siyam na iba pa nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyang dump truck ng mga ito sa kahabaan ng matarik na highway ng Inlulan Poblacion South, Lagawe, Ifugao nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ang namatay na biktima na si Ben Humiwat, 56 at idineklarang dead-on-arrival sa ospital sanhi ng malubhang sugat na tinamo sa katawan. Kritikal naman ang kondisyon ni Richard Sobrepena,  46 anyos, driver ng dump truck. Masuwerte naman na hindi nasugatan si Rodrigo Villanueva.

Kabilang pa sa mga nasugatan na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ay nakilala namang sina Edwin Baltazar, 52; Jay-ar Moya, 16; Henry Dangan, 39; Kevin Alvarez, 19; Homer Nehis, 23 ; Rainier Dagdag, 22; pawang ng Bayombong, Nueva Vizcaya at Leopoldo Ong, 27 anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi, habang bumabagtas ang truck (BAM 699) sa matirik na bahagi ng highway ng nasabing lugar. Bigla na lang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at saka nahulog sa 30-metrong lalim ng bangin.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na sakuna.

BEN HUMIWAT

EDWIN BALTAZAR

HENRY DANGAN

HOMER NEHIS

INLULAN POBLACION SOUTH

KEVIN ALVAREZ

LEOPOLDO ONG

NUEVA VIZCAYA

RAINIER DAGDAG

RICHARD SOBREPENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with