^

Police Metro

3 minero itinumba ng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong minero ang binistay ng bala ng 30 armadong kalalakihan na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay  Guinhalinan, Barobo, Surigao del Sur nitong Huwebes.

Ang mga nasawing biktima na pawang tinadtad ng bala ay nakilalang sina Reginaldo Resurreccion, 49; Chino Dahuya, 24  at Reynaldo Conde, 45, pawang mga gold panner at mga residente ng Barangay Dughan, Barobo ng lalawigang ito.

Sinabi ng pulisya na ang bangkay ni Resurreccion ay narekober ng nagrespondeng elemento ng pulisya na naglakad ng ilang kilometro sa gold panning shanty ng  isang minahan. Ang bangkay naman nina Chino at Conde ay sa may sapa na pinaniniwalaang tinangkang tumakas pero naabutan din ng mga suspek. Nakaligtas naman si Artemio Dahuya nang makapagtago at gumapang sa damuhan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga ng sumalakay ang mga suspek habang nagkakape ang dalawa sa mga biktima habang ang iba pa ay ilang metro lang ang layo rito. Walang habas na pinagbabaril umano ng mga suspek ang mga biktima  at saka mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng M14 rifles at M 16 rifles. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang motibo ng krimen.

ARTEMIO DAHUYA

BARANGAY DUGHAN

BAROBO

CHINO DAHUYA

GUINHALINAN

HUWEBES

NEW PEOPLE

REGINALDO RESURRECCION

REYNALDO CONDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with