^

Police Metro

AFP nabahala sa bagong sibol na teroristang grupo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nabahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglutang ng bagong sibol na teroristang grupo sa Central Mindanao.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, nangangamba ang AFP dahilan maaaring lumikha ang grupo ng malaking bilang  ng mga biktima ng terorismo  bunga na rin ng  eksperto ang mga ito sa pambobomba.

Ang nasabing bagong sibol na mga terorista ay kumalas sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at nagtayo ng sariling grupo na binansagang Justice Islamic Movement (JIM) na nakipag-alyansa sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na  pinamumunuan ni Commander  Mohammad Ali Tambako  na nakipag-alyansa sa  Pinoy bomb expert na si Abdul Basit Usman na na-monitor na kasamang tumatakbo ng  5 JI terrorist na kinabibilangan ng apat na Indonesian at isang Arabo sa all out offensive ng tropa ng militar sa Mamasapano, Maguindanao kamakailan.

Tinatayang nasa 70 ang armadong tauhan ni Tambako na aktibong nag-o-operate sa mga bayan ng Mamasapano, Datu Saudi Ampatuan, Sultan Kudarat at iba pang mga bayan sa Maguindanao.

ABDUL BASIT USMAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MINDANAO

DATU SAUDI AMPATUAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JUSTICE ISLAMIC MOVEMENT

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MOHAMMAD ALI TAMBAKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with