Bus nahulog sa bangin: 23 sugatan
MANILA, Philippines - Nahulog sa 37 talampakang bangin ang isang pampasaherong bus na ikinasugat ng 23 katao kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet.
Ang mga biktima na dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center ay kinilalang sina Levy Dipad, 53, driver ng bus; mga pasaherong sina Rehana Malaco, 17; Noraina Malaco, 26; Walfina Malaco, 24; Renato Dizon, 45; Myrna Roperto, 23; Joel Mangubat, 37; Ricardo Tolentino, 39; Romilo Florez, 49; at Christopher Dacanay, 26.
Batay sa ulat, dakong alas-3:45 ng madaling araw ay binabagtas ng Victory Liner (CXS 967) na may body number 7044 na may lulan na 46 katao kabilang ang driver at konduktor na galing sa Metro Manila at patungo sa Baguio City nang nasilaw umano ang driver ng bus sa ilaw ng kasalubong na behikulo na nakatutok sa unahan nito bunsod upang mawalan ito ng kontrol sa manibela sa pakurbadang bahagi ng highway dahilan upang mahulog ang bus sa kanang bahagi ng highway na tuluy-tuloy na bumulusok sa malalim na bangin.
- Latest
- Trending