^

Police Metro

Pagbago sa ilang probisyon ng BBL hindi kokontrahin ng Malacañang

Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni  PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na hindi na kokontrahin ng Malacañang ang desisyon ng mga mambabatas na amyendahan ang ilang probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Partikular dito ang pagkakaroon ng sariling police force at constitutional body na ayon sa mga mambabatas ay labag sa Konstitusyon.

Sinabi pa ni Sec. Coloma, lahat ng mga batas na ipinapasa ng Kongreso ay dapat tumatalima sa konstitusyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Coloma, nagkakaisa ang ehekutibo at Kongreso sa layuning ipasa ang BBL bilang mahalagang hakbang sa prosesong pangkapayapaan.

Magugunitang una nang iginiit ng Pangulo sa mga kongresista na ipasa ang orihinal na bersyon ng BBL na dumaan sa masusing pagsusuri ng legal team ng Palasyo.

BANGSAMORO BASIC LAW

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

INIHAYAG

KONGRESO

KONSTITUSYON

MAGUGUNITANG

MALACA

PALASYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with