QCVM Joy B pinarangalan bilang pinakamahusay na vice mayor
MANILA, Philippines – Humakot ng 23 awards ang Quezon City sa ginanap na Gawad Sulo ng Bayan 2015 sa Metro Manila Sector.
Nakuha ng QC government ang award na pinakamahusay na lungsod sa Kalakhang Maynila at si QC Vice Mayor Joy Belmonte bilang “pinakamahusay na ikalawang punong-lungsod”.
Nakuha naman ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ang pinakamahusay na Alkalde sa Kalakhang Maynila at pumangalawa sa pinakamahusay na Alkalde si QC Mayor Herbert Bautista.
Layunin ng Gawad Sulo ng Bayan na parangalan at bigyang pagkilala ang mga indibidwal at mga grupo na nagbibigay ng matinding kontribusyon sa pagpapaunlad ng komunidad.
- Latest