^

Police Metro

Mediaman tepok sa saksak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang miyembro ng media matapos na saksakin sa loob ng isang bar kahapon ng madaling araw sa Masbate City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ariel Verano Lerit, 49, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ang biktima ay editor/publisher ng pahayagang tabloid na Masbate Times sa Masbate City at barangay chairman din sa Brgy. Anas ng lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-12:50 ng madaling araw ay kainuman ng biktima ang dalawang kasama sa loob ng Eighten Seventteen Bar and Grill na matatagpuan sa Ibanez Street, Brgy. J. T. Fernandez ng lungsod nang bigla na lamang nilapitan ng isang hindi pa kilalang lalaki at agad na inundayan nang sunud-sunod na saksak.

Nakaligtas naman sa pananaksak ang dalawang kasamahan ng biktima na ang isa ay si Bobby Bornillo, marketing manager ng naturang pahayagan matapos na mabilis na makatakbo.

Mabilis na tumakas ang suspek na  sinamantala ang pagkakagulo ng mga kustomer sa nasabing bar.

Sa kasalukuyan ay dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa motibo ng krimen na una ay alitan sa pulitika at ikalawa ay may kinalaman sa trabaho nito bilang mediaman.

 

vuukle comment

ARIEL VERANO LERIT

BATAY

BOBBY BORNILLO

BRGY

EIGHTEN SEVENTTEEN BAR AND GRILL

FERNANDEZ

IBANEZ STREET

MABILIS

MASBATE CITY

MASBATE TIMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with