^

Police Metro

NPA ambush: 5 sundalo patay, 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalagasan na naman ng limang sundalo ang gobyerno habang anim ang nasugatan nang tambangan ng halos 30-miyembro ng New People’s Army (NPA) sa highway ng Barangay Legleg, Quirino, Ilocos Sur nitong Huwebes ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni Captain Mark Anthony Ruelos, Spokesperson ng Army’s 7th Infantry Division (ID) naganap ang pana­nambang sa nasabing lugar dakong alas-7 ng gabi. Bumabagtas umano ang convoy ng militar sa nasabing lugar nang paulanan ng bala ng nasabing mga rebelde.

Sinabi ni Ruelos na kasalukuyan pang iniimpormahan ang pamil­ya ng mga nasawing sundalo kaya tumanggi muna itong tukuyin ang pangalan ng mga biktima.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatan sa tropa ng militar upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Ruelos kagagaling lamang ng pinagsanib na elemento ng mga sundalo at  pu­lisya sa law enforcement operations at kasalukuyang pabalik na sa himpilan ng Army’s 81st Infantry Division (ID)  nang tambangan ng mga armadong rebelde sa lugar. 

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang tropa ng mga sundalo laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LEGLEG

BUMABAGTAS

CAPTAIN MARK ANTHONY RUELOS

ILOCOS SUR

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

RUELOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with