^

Police Metro

Bakbakan sa Sulu... AFP vs ASG: 7 todas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawang sundalo habang 30 ang nasugatan kabilang ang 16 sa tropang gobyerno sa naganap na bakbakan ng magkabilang panig kahapon ng umaga sa  Brgy. Tanum, Patikul, Sulu.

Sa ulat na natanggap ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, dakong alas-9:20 ng umaga nang makabakbakan ng 16th Special Forces Company (SFC) at 1st Special Reconnaissance Batallion ng Joint Task Group (JTG) Sulu  ang nasa 300 bandido na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Sawadjaan.

Nabatid na nagsagawa ng operation ang tropa ng pamahalaan upang lipulin ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa paghahasik ng terorismo kabilang  ang kidnapping for ransom, ambushcades, pamumugot ng ulo sa mga hostages at pambobomba.

Ayon sa tropang gobyerno nasa lima sa mga kalaban ang nasawi sa encounter site sa kasagsagan ng ‘artillery fires’ habang nasa 14 naman sa mga ito ang nakita nilang sugatang tumatakas.

Naglatag na rin ng blocking at checkpoint ope­rations upang harangin ang mga nagsisitakas na bandido.- Joy Cantos-

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER SAWADJAAN

HAROLD CABUNOC

JOINT TASK GROUP

JOY CANTOS

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF LT

SPECIAL FORCES COMPANY

SPECIAL RECONNAISSANCE BATALLION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with