^

Police Metro

Buntis, 3 kaanak todas sa sunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Patay ang apat na magkakamag-anak kabilang ang isang buntis  sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Merville Access Road, Pasay City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nida Dakaymat, 49, anak nitong si Ramil, 25; misis nitong si Danna Mente, 20, apat na buwang buntis  at ang apong si Cindy Pacayun, 10.

Batay sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Mario at Dianne Barmachea sa Sapasatahai at Daop Palad Merville Access Road, Barangay 201, Zone 20.

Sa pahayag ng mag-asawang Barmachea, kasalukuyan silang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang biglang magliyab ang unang palapag nila.   

Dahil sa gawa lamang sa kahoy ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na uma­bot sa mahigit sa 300 kasama  ang bahay ng mga biktima.

Nadamay din ang isang warehouse ng balikbayan boxes at isang imbakan ng tela hanggang sa  umabot ito sa general alarm.

 Nahirapan ang mga bumberong makapasok dahil sa masikip ang kalsada at katabi pa ito ng creek at umabot ng apat na oras ang sunog bago ito idineklarang fire-out.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang mga biktima na  magkakapatong matapos matupok ang kanilang bahay na may dalawang palapag.

Nabatid na nakulong ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay dahil sa biglang paglaki ng apoy at nahulog ang mga ito sa creek na tabi ng kanilang na sunog na bahay.

 

vuukle comment

BAHAY

CINDY PACAYUN

DANNA MENTE

DAOP PALAD MERVILLE ACCESS ROAD

DIANNE BARMACHEA

MERVILLE ACCESS ROAD

NIDA DAKAYMAT

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with