^

Police Metro

Tatay, 2 anak dedo, ina kritikal sa banggaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pawang nasawi ang isang ama at dalawa nitong anak na paslit habang ang ina ay nasa kritikal na kondisyon makaraang masalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Raja Muda Mandi Road, Zamboanga City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Clarence Gutib, 3; Janylle Gutib, 5 at ama na si Edward Gutib.

Nilalapatan ng lunas sa Brent Hospital ang ina na si  Monina Gutib  na nasa kritikal na kondisyon.

Batay sa ulat, dakong alas-8:26 ng gabi ay kasalukuyang bumabagtas ang Honda motorcycle (MD 7366) na sinasakyan ng pamilya nang aksidente itong mabangga ng isang Isuzu passenger jeepney (JVB-937) na minamaneho ni Mohammad Nur Tindin Pangambayan na galing sa silangan patungo sa kanluran.

Namatay noon din ang mag-aama habang dinala sa pagamutan ang ginang na nasa kritikal na kondisyon.

Inaresto ng mga otoridad ang driver na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

vuukle comment

BATAY

BRENT HOSPITAL

CLARENCE GUTIB

EDWARD GUTIB

INARESTO

JANYLLE GUTIB

MOHAMMAD NUR TINDIN PANGAMBAYAN

MONINA GUTIB

RAJA MUDA MANDI ROAD

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with