^

Police Metro

Pagbibitiw ni P-Noy, hindi wastong solusyon sa Mamasapano clash

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimen­tel III sa mga mamamayan na maging mapayapa at ma­ging mapagbantay sa mga panawagan upang magbitiw si Pangulong Aquino kaugnay sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force nitong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

“Nauunawaan ko ang damdamin ng mamamayan ngunit ang mas kailangan ngayon ay mabatid natin ang katotohanan kaugnay ng pangyayari sa Mamasapano upang maipataw natin ang wastong kataru­ngan sa mga dapat ma­nagot sa pagkamatay ng ating mga pulis,” wika ni Pimente.

Idiniin ni Pimentel, tagapangulo ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na hindi tamang solusyon ang pagbibitiw ng Pangulo lalo’t nahaharap ngayon ang bansa sa krisis.

Anya, ginagawa ng gobyerno ang pinaka­mabuti upang mabatid ang katotohanan kaya’t bigyan ng pagkakataon ang pamahalaan para maiwasto ang anumang pagkakamali.

Nanawagan din si Pimentel na suportahan ang panukalang batas na kabilang siya sa mga sumulat para magtatag ng “Truth Commission” para im­bestigahan ang mga tunay na naganap sa Mamasapano.

 

ANYA

MAMASAPANO

NANAWAGAN

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

SENADOR AQUILINO

SENATE COMMITTEE

TRUTH COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with