^

Police Metro

Kelot pinatay, kaibigan pumatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 23-anyos na lalaki ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek, habang namaril at nakapatay ang kaibigan ng una ng naganap noong Biyernes ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jimmy Bermudes, alyas “Jimboy”, 23, binata, ng Block 15 Pama Sawata, Brgy. 28; at Donato Dizon, 45, may-asawa, obrero, at residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang unang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin si Bermudes sa ilalim ng tulay ng C3 Road sa Block 15 Pama Sawata, Brgy. 28 na agad nitong ikinasawi.

Nabalitaan ng isang alyas Rala ang nangyari sa kaibigan na si Bermudes kung kaya’t nagwala ito sa kanilang lugar habang armado ng isang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Dito ay minalas na napagbuhusan ng galit ni alyas Rala ang biktimang si Dizon na napadaan lang sa lugar at pinagbabaril ito.

Tumakas din ang suspek na si alyas  Rala habang hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center si Dizon.

Lumalabas sa imbestigasyon na kilalang sangkot umano si Bermudes sa mga insidente ng panghoholdap at ope­rasyon sa iligal na droga sa naturang lugar at ang suspek na si alyas Rala ay kasama nito sa sindikato.

vuukle comment

BERMUDES

BRGY

CALOOCAN CITY

DIZON

DONATO DIZON

JIMMY BERMUDES

PAMA SAWATA

RALA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with