^

Police Metro

Tandem utas sa QC shootout

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad sa isang shootout ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos tangayin ang motorsiklo  ng isang babae kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na napatay.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi bago nangyari ang shootout sa Ciudad Verde, Greater Fairview ng lungsod ay tinutukan ng baril  ng mga ito ang isang Michelle Libre at sapilitang tinangay ang kanyang motorsiklo na Suzuki Raider 150 cc na may plakang 3541 0N sa may Regalado Avenue.

Agad na inireport ng biktima sa Fairview Police Station 5 ang pangyayari na kung saan ay agad na nagsagawa nang checkpoint ang QCPD ANCAR.

Hindi huminto ang mga suspek sa checkpoint na mabilis humagibis kung kaya’t hinabol ito at nang maabutan ay pinaputukan umano ng mga una ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at dito ay nasapol ang dalawang suspek. - Angie dela Cruz-

vuukle comment

ANGIE

BATAY

CRUZ

FAIRVIEW POLICE STATION

GREATER FAIRVIEW

MICHELLE LIBRE

QUEZON CITY

REGALADO AVENUE

SUZUKI RAIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with