^

Police Metro

BIFF igaganti si Marwan

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung magbabanta nang pag-atake ang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), upang ipaghiganti ang pagkamatay ni Zulkifi bin Hir alyas Marwan sa madugong engkwentro noong nakaraang Linggo na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Subalit, siniguro ng Malacañang na handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa planong paghihiganti ng BIFF.

Ayon Kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., anumang oras ay handa ang AFP gayundin ang PNP sa anumang balakin ng BIFF upang ipaghiganti si  Marwan na sinasabing napatay ng mga elemento ng SAF nang isilbi ang arrest warrant.

Bagamat kinumpirma ng SAF sa kanilang report na napatay nila si Marwan at kinumpirma din ito ng liderato ng MILF at biyuda ni Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani ay hinihintay pa din ang resulta ng DNA test na ipinadala sa Federal Bureau of Investigation (FBI) upang masiguro na si Marwan ang napatay.

Samantala, nakiisa na din ang United Nations team sa pagsusulong ng imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa naganap na madugong engkwentro sa pagitan ng SAF, MILF at BIFF sa Mamasapano, Ma­guindanao.

Itinanggi din ni Coloma ang akusasyon na pinigilan ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles si Pangulong Aquino na magpadala ng reinforcement troops na nakaengkwentro ang MILF dahil baka maapektuhan ang peace talks dito.

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON KAY

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HERMINIO COLOMA JR.

KHADAFFY JANJALANI

MAMASAPANO

MARWAN

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with