Draft ng BBL pinapabago
MANILA, Philippines - Iginiit ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat baguhin ang nilalaman ng draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para hindi ito lumabag sa Konstitusyon sa kabila na rin ng mga panawagan na ibasura ito matapos ang madugong pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Maguindanao noong Linggo.
Sinabi ni Pimentel, bagaman at dapat kondenahin ang nasabing pangyayari, hindi naman ito dapat maging dahilan upang isantabi na lamang at kalimutan ang peace talks.
Aniya, dapat na maging “inclusive” ang nilalaman ng BBL upang hindi magkaroon ng dahilan ang ibang grupo na isiping ini-itsapuwera sila kaya itutuloy na lang ang pagrerebelde.
Una ng ipinangako ni Senate President Franklin Drilon na isusulong pa rin ng Senado ang pagpasa ng BBL sa kabila ng sinapit ng mga miyembro ng PNP-SAF.
Magugunita naman na ilang senador na rin ang bumawi ng kanilang suporta at pagiging co-author ng panukala sa BBL.
- Latest