Soliman pinagbibitiw sa puwesto
MANILA, Philippines - Sinugod kahapon nang galit na galit na ibat ibang militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hinihiling ang pagbibitiw nito sa puwesto.
Ipinarating ng mga grupo sa DSWD ang kanilang pagkondena sa anilay magastos na pagtatago ng ahensya sa mahigit 500 palaboy sa isang resort sa Batangas.
Dala ng mga protesters ang isang kariton na anilay simbolo na ngayon ng tulugan ng isang maralitang walang sariling bahay.
Ayon kay Kadamay Secretary General Carlito Badion, walang naniniwala sa mga palusot ni Soliman na nagkataon lamang na natapat sa pagpunta ni Pope Francis ang pagdadala sa mga batang lansangan sa Batangas.
- Latest