Kabataan hinamon ng Santo Papa
MANILA, Philippines – Magbigay sa mahihirap at panatilihin ang integridad.
Ito ang naging paghamon ni Pope Francis sa mga kabataan na dumalo sa kaniyang “Encounter with the Youth” sa University of Santo Tomas (UST) kahapon.
Sinabi ni Pope Francis na ang integridad ng isang tao ay maaaring sirain ng pansariling interes, pagiging sakim, dishonesty o gamitin ang ibang tao.
Anya na marami ang mahaharap na oposisyon habang pinapanatili ang integridad, ngunit kasama aniya ang Santo Espiritu para malampasan ang mga pagsubok.
Wika pa ng Santo Papa na mahalaga na hindi mawalan ng integridad at hindi magkompromiso ang mga idolohiya.
Ayon sa Santo Papa na kapag nagmahal ay dapat maging handa sa rejection o pagsamantalahan, subalit hindi dapat matakot magmahal pero kailangan din maging tapat at patas sa pagmamahal.
Hinamon din ni Pope Francis ang mga kabataan na magpakita ng malasakit sa kapaligiran.
Bumalik naman ang Santo Papa sa Apostolic Nunciature matapos ang kanyang encounter with the youth sa UST at bandang alas-3:00 ng hapon ay nagtungo na ito sa Quirino Grandstand para sa kanyang huling misa.
- Latest