3 rebeldeng NPA, sumurender
MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang lider sa bayan ng Tapaz, Capiz.
Ayon kay Lt. Col. Jonathan Gayas, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division (ID), kinilala ang mga nagsisuko na isang alyas Ka Alen, Team leader Squad 2, Baloy Platoon ng Committee Front ng Panay; isang alyas Ka Tommy at isang alyas Ka Mica; pawang mga kasamahan ni Ka Alen.
Ang grupo ni Ka Alen ay aktibong nago-operate sa mga bayan ng Tapaz, Dumalag gayundin sa mga hangganan ng Jamindan at Mambusao; pawang sa lalawigang ito.
Nagsisuko ang mga ito matapos ang masusing negosasyon na isinagawa ni Tapaz Mayor Rose Gardose at ni Brgy. Captain Remy Katipunan ng Brgy. Aglinab sa nasabing bayan.
Nagpasyang sumuko sa batas ang tatlong rebelde matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.
- Latest