^

Police Metro

Mister nagpaalam kay misis sa chat na magpapakamatay

Cristina Timbang, Lordeth Bonilla,Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpaalam muna sa kanyang misis sa chat na magpapakamatay ang natagpuang nakabigti sa kanyang silid sa Indang, Cavite.

Natagpuang nakabigti dakong alas-11:00 ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto  ang biktimang si Rizalde Rolle, 47, ng Indang, Cavite.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi na kung saan habang nakikipag-inuman ay abala rin ito sa pag-chat sa misis nito na nasa Taiwan.

Nakita sa chat history sa kaniyang misis na nagsabi ito na magpapakamatay at  sinabihan ng biktima ang una na huwag magpunta sa lamay.

Nagbigti rin ang 36-anyos na si Grace Ontolan, ng Fernando St., Brgy. Marulas, Valenzuela City matapos na makatalo ang kanyang live-in partner nitong si Robert Habolin kamakalawa ng gabi dahil sa hindi nababayarang utang nila sa tindahan.

Hindi naman umano makayanang sakit sa puso at matinding depresyon ang dahilan ng pagbibigti ng biktimang si Antonio  Limsiengco, 76, biyudo, ng no. 2547 Sulu St., Sta. Cruz, Maynila dakong alas-2:30 ng hapon.

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRUZ

FERNANDO ST.

GRACE ONTOLAN

INDANG

RIZALDE ROLLE

ROBERT HABOLIN

SULU ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with