Pulisya at power firm vs nakaw na kuryente
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng pirmahan sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Olongapo Electricity Distribution Co., Inc. (OEDC) at Olongapo City Police Office (OCPO) kamakailan na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City.
Pinangunahan ng paglagda ng MOA si OEDC presidente Jose Maria Abaya at Olongapo City PNP Director Sr. Supt. Pedrito delos Reyes.
Layunin ng nasabing MOA ay pagtaguyod ng pagkakaunawaan, pagtutulungan para sa responsibilidad at pananagutan sa pagpapatupad sa Republic Act 7832 o Anti-Pilferage Act para mabawasan ang system loss sa pamamagitan ng random metering inspection na humihingi ng ayuda ang OEDC sa OCPO upang ipatupad ang RA 7832.
Noong hinawakan ng OEDC ang operasyon ng kuryente noong Hunyo 2013, mayroong napakataas na system loss ito na nasa 37% ngunit paunti-unti itong naipababa nito sa 11.28% hanggang nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre 2014.
Naitala ng OEDC ang 345 na kaso ng illigal na koneksyon o pagnanakaw ng kuryente noong taong 2013 ay lumubo sa 2,138 kaso mula Enero hanggang nitong buwan ng Nobyembre 2014 na may kabuuang 2,353 kaso.
- Latest