Kumanta ng ‘Hanggang’… kelot dinos-por-dos, dedo
MANILA, Philippines - Pinagpapalo ng dos-por-dos hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na lalaki ng di umano’y limang kabataang lalaki, isang oras matapos itong umawit ng “Hanggang “ ni Wency Cornejo, sa isang binyagan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Agaw buhay nang mamataan sa riles sa Laguna Extension, Tondo ang biktimang si Gilbert Martinez, residente ng No. 725 Laong-Nasa st., Tondo, Maynila.
Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay galing sa pabinyag ng anak ng kaniyang pinsan nang matagpuan itong duguan dakong alas-7:16 ng gabi, kamakalawa, kaya mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sa impormasyon, ginabi umano ang biktima at pinakahuli pa umano itong kumanta ng “Hanggang” ni Wency Cornejo saka umalis. Gayunman, may nakakita umanong limang kabataang lalaki ang kumuyog sa biktima at pinagpapalo ng dos-por-dos.
- Latest