^

Police Metro

Bagyong Seniang pumasok na sa bansa

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago ang pagpasok ng 2015 ay pumasok sa bansa ang bagyong Seniang matapos mabuo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kahapon  ng  alas-11:00 ng umaga ay namataan ang bagyo na 210 kilometro sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur na taglay ang lakas ng hanging nasa 45 km kada oras malapit sa gitna.
Si Seniang ay kumikilos patungo sa silangang-hilagang kanluran sa bilis na 11 kph at inaasahang magla-landfall sa bisinidad ng Hinatuan, Surigao del Sur o sa bisinidad ng Tandag, Surigao del Sur ngayong umaga.
Bukas ay nasa 30 km ang bagyo sa kanluran ng Tagbilaran City Bohol, at Miyerkules ng umaga ay nasa 230 km sa kanluran ng Dumaguete City, Neg­ros Oriental o sa may 280 km silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Itinaas ang signal no. 1 sa Surigao del Norte; Surigao del Sur; Dinagat province; Agusan del Norte; Agusan del Sur; Davao del Norte; Davao Oriental; Compostela Valley; Camiguin Island; at Misamis Oriental, at Bukidnon.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na signal number 1.

Binalaan din nito ang mga mangingisda at mga maliliit na bangka laban sa paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Luzon, at ang eastern seaboard ng Visayas.

AGUSAN

CAMIGUIN ISLAND

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEL

DUMAGUETE CITY

HINATUAN

MISAMIS ORIENTAL

NORTE

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with