^

Police Metro

Motorista na nakapatay sa MMDA constable kakasuhan ng murder

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong araw ay iaakyat sa kasong murder mula sa kasong “reckless imprudence resulting to homicide” na isinampa sa isang motorista na nakasagasa at nakapatay sa MMDA traffic enforcer na si Sonny Acosta.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na agad na ihahain ng kanilang mga abogado ang pagpapataas sa kasong murder sa Quezon City Prosecutor’s Office laban kay Mark Ian Libunao makaraang tulu­yang masawi si Acosta na kahapon ay ipina-cremate na ang labi nito.

Anya, kailangang panagutan ni Libunao ang ginawa nito kay Acosta na ginagawa lamang ang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas trapiko. 

Hindi umano niya maisip kung bakit nagawa ito ni Libunao gayung naging magalang at sumaludo pa umano si Acosta sa kanya nang parahin ito lulan ng isang SUV (Sports Utility Vehicle) nang pumasok sa yellow lane sa EDSA noong Disyembre 19. 

 

ACOSTA

ANYA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DISYEMBRE

LIBUNAO

MARK IAN LIBUNAO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

SONNY ACOSTA

SPORTS UTILITY VEHICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with