^

Police Metro

Paskong masaker: Ina, pinsan kinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagtataga ng isang baliw na anak hanggang sa masawi ang kanyang ina at pinsan nito habang dalawa pa ang malubhang nasugatan na naganap sa mismong araw ng Pasko sa Mambusao, Capiz.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Amanda Delicano, 65; at pinsan na si Ronnie, 4-anyos habang nasugatan sina Hanacer, 9 at Rezalene, 3 na pamangkin ng suspek na si Charlie Delicano.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Pasko ay bigla na lamang sinumpong ang suspek ng kanyang sakit sa pag-iisip  na umano’y may nervous breakdown at pinagtataga sa ulo si Ronnie gayundin ang dalawa pang pamangking babae.

Sumaklolo ang ina ng suspek na si Amanda at ito naman ang pinagbalingan na pagtatagain.
Dinala ang mga biktima sa Mambusao District Hospital ng kanilang mga kapitbahay, subalit binawian ng buhay sina Amanda at Ronnie sanhi ng pagkaubos ng dugo. Bunga ng maselang kalagayan ay inilipat naman sa Western Visayas Medical Center ang dalawang batang babae.

vuukle comment

AMANDA

AMANDA DELICANO

BATAY

BUNGA

CAPIZ

CHARLIE DELICANO

MAMBUSAO DISTRICT HOSPITAL

PASKO

RONNIE

WESTERN VISAYAS MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with