2 kidnaper ng bata at yaya hinatulan ng habambuhay
MANILA, Philippines – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng Manila Regional Trial Court -Branch 5 laban sa dalawang suspek na kumidnap kay Eunice Kaye Chuang, 5 at sa yaya nitong si Jovita Montecino sa Binondo noong Oktubre 17, 2000.
Sa desisyon ni Manila RTC Judge Mona Lisa Tabora napatunayang nagkasala ng kidnapping with double homicide sina Monico Santos at pinsan nitong si Francis Canoza.
Si Eunice at Montecino, ay natagpuang patay sa kisame ng bahay ni Santos sa Malolos Bulacan na sumundo sa mga biktima mula sa paaralan ng bata sa Philippine San Bin School sa Maynila.
Namatay ang dalawa dahil na rin sa suffocation kung saan iniwan ang mga ito na nakatali ang kamay at paa.
Hindi naman napigilan ni Emily, ina ni Eunice na mapaluha matapos na ibaba ang hatol dahil alam aniya niyang masaya ang anak sa naging desisyon ng korte.
- Latest