Globe nagbigay ng libreng int’l calls ngayong Kapaskuhan
MANILA, Philippines – Magbibigay ang Globe Telecom ng libreng tawag sa abroad ngayong Kapaskuhan na isang pagkakataon sa mga Pinoy na nasa abroad na kumonekta sa kanilang mga minamahal sa Pilipinas ngayong holiday season.
Sa loob ng siyam na araw, mula Disyembre 24, 2014 hanggang Enero 1, 2015, ang LINE apps users sa buong mundo kabilang ang 12 milyong Pinoy sa iba’t ibang komunidad sa ibang bansa ay maaaring tumawag nang libre sa Globe mobile at TM subscribers sa Pilipinas na isang magandang regalo mula sa Globe at LINE apps.
Ayon kay Globe Executive Vice President and Chief Operations Officer Gil Genio na kanilang pinahahalagahan ang relasyon ng pamilyang Pinoy kaya’t patuloy silang magbibigay ng libreng tawag.
“Calling is still one of the most popular ways to send Christmas greetings. Hearing the voice of a loved one saying ‘Merry Christmas’ definitely warms the heart of every Filipino. Furthering our commitment to bridging the gap between our kababayans around the world and their loved ones back home, we are happy to forge an alliance with LINE to let Filipinos, no matter where they are, enjoy worry-free and non-stop calls using the app,” wika naman ni Globe Senior Vice President for International Business Rizza Maniego-Eala.
- Latest