^

Police Metro

Power distributor nag-medical mission

Randy V. Datu - Pang-masa

OLONGAPO CITY, Philippines – Nagkaloob ng maagang pamasko ang power distributor na Olongapo Electri­city Distribution Co., Inc. (OEDC) at ang San Miguel Energy Corporation (SBEC) sa mga residente ng lungsod na ginanap sa Rizal Triangle dito.

Ang nabanggit na gawain na may titulong “Pamaskong Handog ng San Miguel Energy Corporation at OEDC Para sa Olongapeño” ay naglalayong magkaloob ng libreng medical at dental services sa mga higit na nangangailangang residente ng lungsod.

Ayon kay OEDC Vice-President Pacita Chavenia Gabriel, ang proyekto ay nakapagkaloob ng libreng serbisyo sa mahigit na 1,000 pasyente na inirekomenda ng mga punong barangay mula sa 16 na barangay ng lungsod.

Maliban sa serbisyo, nagkaloob din ng mga bita­mina at kinakailangang gamot para sa mga pasyente.

Ang OEDC ay ang suplayer ng kuryente sa Olongapo City na nagsimula ng operasyon nang nakaraang taon lamang at nakapagsagawa na ng kinakailangang rehabilitasyon sa buong sistema ng kuryente sa lungsod upang maibigay ang mataas na kalidad ng serbisyo ng kompanya.

AYON

DISTRIBUTION CO

OLONGAPO CITY

OLONGAPO ELECTRI

PAMASKONG HANDOG

RIZAL TRIANGLE

SAN MIGUEL ENERGY CORPORATION

VICE-PRESIDENT PACITA CHAVENIA GABRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with