^

Police Metro

Isa sa bumaril sa solon, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na umano ay sangkot sa pananambang sa convoy ni Iligan City Lone District Rep. Vicente “Varf” Belmonte Jr., sa Laguindingan, Misamis Oriental na ikinasawi ng tatlo nitong bodyguard.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Dominador Tumala, 52, umano’y dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ng Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.

Nasakote si Tumalo na isang dayo lamang sa lugar matapos itong bumili ng makakain sa isang tindahan sa bayan ng Laguindingan.

Nakapaa ang suspek at umano’y kahinahinala ang kilos at ng matanong ay sinabing dumalaw lamang ito sa burol ng kaniyang ina pero hindi naman nito maituro kung saang lugar sa nasabing bayan.

Nagkunwaring baliw din ang suspek upang makaiwas sa pag-aresto ng pulisya na nagsasagawa ng law enforcement operations sa lugar at checkpoint bunga ng insidente.

Magugunita na noong Huwebes dakong alas- 1:45 ng hapon ay tinambangan ng mga armadong kala­lakihan na lulan ng van ang convoy ni Belmonte na kagagaling lamang sa Laguindingan airport at patungo na sa Iligan City.

vuukle comment

BELMONTE JR.

DOMINADOR TUMALA

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY LONE DISTRICT REP

LAGUINDINGAN

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

SERGIO OSME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with