^

Police Metro

Matadero nagpadagdag ng tubo, dedo sa kabaro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang matadero nang saksakin siya ng kabarol nang magtalo sa isinanglang kuwintas kahapon sa Pasay City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival Pasay City General Hospital dahil sa malalim na saksak sa katawan  ay kinilalang si Christopher Legara, 24, ng Stanford St., Barangay  65, Zone 8, Pasay City.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Jose Soterio, ng Barangay Tejeros, Makati City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali sa #158 Dian Dolores St., Tripa de Gallina, Barangay  67, Zone 8 ay nagtalo sina Legara at Soterio, matapos umanong humingi ng dagdag na P150  ang una hinggil  sa isinanglang kwintas ng  suspek.

Habang nagtatalo ang dalawa ay duma­ting  ang isang kasamahan na nakilalang si Michael at inagaw ng suspek ang nakasukbit na kutsilyo sa baywang nito at inundayan ng saksak ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY TEJEROS

CHRISTOPHER LEGARA

DIAN DOLORES ST.

JOSE SOTERIO

MAKATI CITY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

STANFORD ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with