^

Police Metro

2 rider tigok sa salpukan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa namatay ang dalawang rider nang magsalpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo habang sugatan naman ang kanilang mga angkas na dalagita na naganap kamakalawa sa Malabon City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Velerosa, 19,  ng # 83 San Diego St., Brgy., Arkong Bato, Valenzuela City at Noel Oliver Dizon, 25, call center agent at residente ng Vicencio St., Barangay  Niugan, Malabon City.

Nasugatan naman ang kanilang mga angkas na sina Angelica Yap, 13, ng Ramos St., Obando, Bulacan at Hannah Gualao, 16,  ng  Palasan,Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi angkas ni Velerosa sa kanyang motorsiklo ang dalawang dalagita at patungong Maysilo, Malabon City.

Pagsapit sa kahabaan ng M. H Del Pilar St., Barangay Santolan, Malabon City ay aksidenteng nagkasalpukan ang mga motorsiklo nina  Velerosa at Dizon kaya’t kapwa tumilapon ang mga ito.

Namatay agad si Velerosa habang namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital si Dizon.

vuukle comment

ANGELICA YAP

ARKONG BATO

DIZON

H DEL PILAR ST.

HANNAH GUALAO

JONATHAN VELEROSA

MALABON CITY

VALENZUELA CITY

VELEROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with