^

Police Metro

2 OFW ‘tumakas’ sa quarantine, hinahanting na!

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinaghahanap ngayon ng Bureau of Quarantine ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na duma­ting sa bansa mula Sierra Leone na may Ebola outbreak matapos na malusutan umano ang mga airport authorities sa takot na magpasailalim sa 21-araw na quarantine.

Ito ay ayon na rin sa pahayag ng isa sa limang OFWs na hinarang pagkalapag  sa Ninoy Aquino International Airport at ipinasailalim sa mandatory quarantine noong Lunes.

Una nang nagpakita ng kasulatan ang mga umuwing OFWs na nagtatrabaho sa mining company sa Siera Leone na nagpapatunay na ligtas sila sa Ebola subalit hindi tinanggap ng Bureau of Quarantine.

Mula sa pitong OFWs na dumating mula Sierra Leone, lima lang ang napigil ng airport authorities at naka-isolate ngayon sa isang pasilidad.

Nagreklamo rin ang mga OFWs sa hindi magandang pasilidad na pinagdalhan sa kanila kumpara sa Caballo island na pinagdalhan sa mga Pinoy peacekeepers.

BUREAU OF QUARANTINE

EBOLA

MULA

NAGREKLAMO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PINAGHAHANAP

PINOY

SIERA LEONE

SIERRA LEONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with