^

Police Metro

Hindi nadatnan sa bahay... Dalagita minartilyo ng tatay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bihasa na magpukpok ng martilyo ang isang karpintero sa paggawa ng bahay, pero kung sa sarili mong anak ito gawin ay iba na ito.

Ganito ang nangyari sa isang 17-anyos na dalagita nang martilyuhin ng amang karpintero sa loob  ng kanilang bahay sa Marikina City kahapon ng hapon.

Nagsampa ng reklamo sa Marikina City Police- Women and Children’s
Protection Desk (WCPD) ang hindi na pinangalanang biktima laban sa kanyang amang si Burgos Tuazon, 48, residente ng Barangay Sto. Niño ng lungsod.

Sa reklamo ng biktima, dakong alas-2:00 ng hapon nang umuwi siya ng bahay at nagulat ito nang ma­da­­­t­nan ang tatay na galit na galit sa kanya dahil wala siya nang dumating sa bahay.

Pinagalitan ng suspek ang biktima na nauwi sa pamumukpok ng martilyo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tinangka ng ina na pigilan ang asawa sa pa­nanakit sa anak ngunit hindi naawat ang suspek.

Natigil lamang ang pananakit nang rumesponde ang mga otoridad, na tinawag ng mga kapitbahay na nakasaksi sa insidente.

Ang suspek aynahaharap na sa kasong child abuse.

Sinasabing madalas na saktan ng suspek ang biktima sa tuwing sumusuway ito sa kanyang bilin na iwasan ang pakikipag-barkada at pag-alis ng bahay nang walang paalam.

BARANGAY STO

BIHASA

BURGOS TUAZON

GANITO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

PROTECTION DESK

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with