Mag-ina utas sa dos por dos
MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang ginang at anak nitong 2-anyos na batang babae matapos na hatawin ng kahoy na dos por dos kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang mag-ina ay kinilalang sina Raida Paino, 22 at anak nitong si Victoria, 2, nakatira sa Block 3, Lot 18, Mahogany St., Zone 16, Barangay 145 ng naturang lungsod.
Ayon sa salaysay ng ina ni Raida na si Gng. Binolowan Paino, 44 na huli niyang nakitang buhay ang mag-ina kamakalawa ng umaga matapos na siya ay umalis sa bahay nito.
Pagdating niya kinagabihan sa bahay ng mag-ina dakong alas-8:30 ng gabi ay tumambad ang duguang bangkay ng anak na si Raida at apong si Victoria.
Humingi ng tulong si Binolawan sa ilang kapitbahay na siyang nagbigay alam sa barangay na ipinaalam naman sa pulisya.
Nakuha sa crime scene ang duguang kahoy na dos por dos na posibleng ginamit sa pagpatay sa mag-ina.
- Latest